Home NATIONWIDE Solar-powered street lights sa buong bansa, isinusulong

Solar-powered street lights sa buong bansa, isinusulong

MANILA, Philippines – Nais ni Quezon City Rep. Ma. Victoria Co-Pilar na solar lamps na ang gamitin para pailawan ang mga kalsada sa buong bansa kasabay ng pagprotekta sa kalikasan.

Sa inihaing House Bill No. 10310, o proposed Solar Street Lights Act, Co-Pilar, binanggit ang doktrina ng “intergenerational responsibility” na binanggit sa ruling ng Korte SUprema sa Oposa vs Factoran.

Sangkot sa kaso ang reklamong inihain ng mga kabataan at environmental organization laban kay Environment Secretary Fulgencio Factoran sa paggagawad nito ng timber license agreements (TLAs).

Ayon sa mga complainant, nilabag ng TLAs ang karapatan nila sa balanced at health ecology.

Sinabi ni Co-Pilar, na ang intergenerational responsibility ay nangangahulugang “every generation has a responsibility to the next to preserve the rhythm and harmony of nature for the full enjoyment of a balanced and healthful ecology.”

“Hence, our generation must take initiatives to protect our environment by reducing carbon emissions and shifting to renewable energy,” dagdag niya.

Sa panukala, binanggit din ng mambabatas ang kahalagahan ng kuryente sa modern life at ekonomiya, ngunit sinabi ang epekto nito lalo na sa paglalabas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases (GHG) na magreresulta sa environmental deterioration.

“These GHG trap heat causing global warming and climate change. Climate crisis affects everyone and those who have contributed the least are the most affected—the future generation,” sinabi ni Co-Pilar.

Sa ilalim ng panukala, “all national, provincial, municipal, city and barangay roads and streets shall use solar street lights” sa gabi na pagaganahin ng solar panels.

Inaatasan din nito ang Department of Science and Technology (DOST) na magsagawa ng pag-aaral kung ilang solar street lights ang dapat ilagay, ang standard na distansya sa pagitan ng mga ito, at specifications kabilang ang wattage and battery capacity, at bilang ng mga solar panels na kakailanganin.

Magbibigay din ang DOST ng listahan ng mga lugar kung saan ilalagay ang solar street lights batay sa “reasonable criterion, taking into consideration the urgency of providing adequate street light supply and the population of the place.”

“In the purchase of solar street lights for installation and use, local businesses shall be given priority in supplying the government … the same. A higher priority shall be given to local businesses that manufacture and sell solar street lights,” sinabi pa sa panukala. RNT/JGC