Home NATIONWIDE Mike Planas itinalaga bilang bagong PHLPost chair

Mike Planas itinalaga bilang bagong PHLPost chair

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Mike Planas bilang chairman ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Sinabi ng PHLPost na ‘committed’ ang dating multiterm Quezon City councilor na muling pasiglahin at i- upgrade ang postal service at pangunahan ang ‘journey’ nito tungo sa digital transformation.

Sa ilalim ng kanyang liderato, palalawakin ang PHLPost sa ibang business lines gaya ng e-commerce, warehouse facilities at logistics upang ma-meet ang demand ng Filipino public.

“Pakinggan natin ang kailangan ng mga Pilipino, and let’s serve them with gravitas,” ayon kay Planas.

Hangad ni Planas na itaguyod ang epektibong pakikipagtulungan sa hanay ng mga opisyal ng PHLPost, mga empleyado at mga stakeholder.

Ang pagpapanumbalik sa Manila Central Post Office building sa Liwasang Bonifacio ay bahagi rin ng kanyang agenda bilang bagong chairman at ganap ang kanyang suporta sa pagsisikap na muling itayo ang iconic building na nasunog noong Mayo 21, 2023.

Sa kabilang dako, sa naging pagpapasya ng Bureau of Fire Protection, ang sunog na nangyari sa historic building ay “purely accidental” dahilan ang car batteries na sumabog malapit sa nakatambak na ‘office supplies, thinners at paint cans.

Samantala, si Planas ay dating consultant sa United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) at nilikha ng FLAG, ang legislative arm ng FAO na in-adopt sa buong mundo.

Nag-aral siya ng Bachelor of Arts in Philosophy major in mathematics sa University of the Philippines-Diliman, at Campaign Management sa American University sa Washington, D.C.

Kumuha rin si Planas ng Masters in Public Administration sa University of Batangas sa Asian Institute of Management major in Development Management.

Kasalukuyan siyang Pangulo ng Rotary Club ng Quezon City Circle at chairman ng Quezon City Councilors Foundation Inc.

Siya rin ay isang National Movement of Young Legislators alumni, founding member, secretary general at vice chair. Kris Jose