Home NATIONWIDE Pinas ‘on track’ sa pagkamit sa middle income status sa 2025 –...

Pinas ‘on track’ sa pagkamit sa middle income status sa 2025 – NEDA chief

MANILA, Philippines- Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na “on track” ang Pilipinas sa pag-abot sa upper middle income status sa 2025.

”Yes we are. Because with the 6 to 7% is quite a high growth and still falls within the realm of possibility for our entry to the upper middle income class,” wika ni Balisacan.

”The threshold of $4500 in gross national income per capita should’ve been there,” dagdag ng NEDA chief.

Sa una niyang State of the Nation Address noong July 2022, inihayag ni Marcos na target ng kanyang administrasyon na iangat ang Pilipinas sa “upper-middle income status by 2024” na may “at least $4,256 income per capita.”

Ani Marcos, isinusulong ng kanyang administrasyon, kabilang ang kanyang economic managers, ang mga reporma na naglalayong makahikayat ng mas maraming foreign investment at palawigin ang komersyo.

Inihayag ng Pangulo na nais niyang ipagpatuloy ang growth trend ng ekonomiya sa mga susunod na taon. RNT/SA