Home ENTERTAINMENT Angelu, G makipagbati kay Clau!

Angelu, G makipagbati kay Clau!

Manila, Philippines – Forgiveness.

Dito umikot ang cyrptic post ni Angelu de Leon na tinatayang reaksyon niya sa tahasang pag-ayaw ni Claudine Barretto na makasama siya sa isang reunion project.

Matatandaang nagpahayag si Claudine in public–partikular sa 20th wedding celebration nina Gladys Reyes at Christopher Rojas–na: “I-manifest na natin ang reunion project natin with Juday!”

Ang Juday na tinutukoy ni Claudine ay si Judy Anne Santos.

On mic nang sabihin ‘yon ni Claudine when called on stage.

Nag-suggest naman si Gladys na isama na rin daw nila si Angelu.

To which ang instant sagot ni Claudine: “Hindi. Tayo lang tatlo ni Juday, walang Angelu!”

Maging si Gladys ay halatang nagulat sa tinuran ni Claudine.

Nagkataon na nakaalis na pala si Angelu sa nasabing pagtitipon, kaya hindi sila nagpang-abot ni Claudine.

Nabanggit ni Claudine na ang pagpapainterbyu noon ni Angelu tungkol sa alitan ng mga Barretto sisters ang ikinasama niya ng loob.

For her part, Angelu chose not to react to the situation on social media.

Sa halip ay may matalinhaga siyang post tungkol sa “pagpapatawad.”

Ang latest featured subject ni Ogie Diaz para kapanayamin sa kanyang vlog ay si Angelu.

Sa nasabing panayam napag-usapan ang isyu sa pagitan ng dalawang aktres.

Ayon kay Angelu, mabuti na lang daw at nakaalis na siya ng gabing ‘yon.

“I’m not used to playing ‘what ifs’ in my life, but it’s a good thing that I already left when Claudine spoke about that.”

Hindi naman binanggit ng aktres-pulitiko what could have happened that night had she chosen to stay at the party.

Pero malinaw na from her end ay nais niyang magkaayos sila ni Claudine.

Ani Angelu: “Oo, ‘yung mag-usap kami para maayos namin. Willing ako.”

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon si Claudine if she’s as much willing to patch up her differences with Angelu. Ronnie Carrasco III