Home OPINION PINAS PINAG-UUSAPAN SA MUNDO SA GIYERANG US-ISRAEL VS IRAN

PINAS PINAG-UUSAPAN SA MUNDO SA GIYERANG US-ISRAEL VS IRAN

225
0

ALAM ba ninyong kabilang ang Pilipinas sa pinag-uusapan sa mundo kaugnay ng giyerang pinasimulan ng United States at Israel laban sa Iran?

Sa US at iba pa pinag-uusapan ang krisis sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa giyerang nagbunga ng napakataas nang presyo ng mga produktong petrolyo na naglalaro na sa $100-$120 kada bariles.

Mula sa nasa P55-P64 kada litro ng petrolyo noong Pebrero 28, 2026 na simula ng pag-atake ng US-Israel sa Iran, lumobo na ang presyo sa P100-P115 kada litro dahil naglalaro na ang presyo ng langis $100-$120 kada bariles.

At inaasahang lulundag pa sa P130 bawat litro sa darating na Martes.

Ang pinag-uusapan ng mga dayuhan ay ang pagkakaroon na ng work-from-home na trabaho sa gobyerno at pribadong kompanya laban sa krisis.

Kasama rin ang krisis sa transportasyon na nagbubunga ngayon ng paghinto ng maraming pampublikong sasakyan dahil sa pagkalugi sa sobrang taas ng presyo ng petrolyo at pagharang pa ng gobyerno sa taas-pasahe.

Pero hindi na lang Pilipinas ang apektado kundi ang Japan, Australia, European Union at iba pa.

Sa ibang salita, maraming bansa, gaya ng Pilipinas, ang halos 97% nabubuhay sa imported na langis.

Dahil sa paghinto ng suplay mula sa Middle East dahil sa pagsasara ng Strait of Hormuz at pagbomba ng US at Israel at Iran na rin sa mga balon at refinery ng langis doon, na maaaring sasama pa kapag sinarhan din ng Houthi ang Bab al-Mandab Strait sa Yemen, lalo pang maghihirap ang maraming bansa.

Sa Pilipinas mismo, lalo pang masama ang nangyayari dahil walang kapangyarihan ang gobyerno na magtakda ng presyo ng langis o magdikta sa mga kompanyang langis ng presyo at suplay dahil sa pag-iral ng Oil Deregulation Law.

Ano-ano nga ba ang gagawin laban sa posibleng pagbagsak ng ating ekonomiya at paghihirap ng sambayanan dahil sa krisis sa suplay at presyo ng langis?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here