Home NATIONWIDE Pinas pinarurusahan ng Tsina sa ‘Singapore speech’ – PBBM

Pinas pinarurusahan ng Tsina sa ‘Singapore speech’ – PBBM

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinarurusahan ng Tsina ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang kamakailan lamang na agresibong aksyon sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa kanya (Pangulong Marcos) n naging talumpati sa Shangri-La Dialogue (SLD) sa Singapore noong nakaraang linggo.

Ibinahagi ng Pangulo ang kanyang sentimyento sa mga matataas na defense at military officials sa idinaos na second quarter command conference ng Philippine Navy (PN), araw ng Lunes, Hunyo 3.

“He said, ‘if this is the punishment for me giving a speech at the plenary of the Shangri-La Dialogue, then they are punishing us,'” ang sinabi naman ni Commodore Roy Vincent Trinidad, PN spokesperson for WPS sa mga mamahayag sa Camp Aguinaldo, araw ng Martes, Hunyo 4.

Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos ang PN command conference sa Navy’s headquarters sa Maynila.

Dumalo naman sa komperensiya sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.; Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief, General Romeo Brawner Jr.; Navy Flag Officer in Command, Vice Adm. Toribio Adaci Jr.; Philippine Army (PA) Commanding General, Lt. Gen. Roy Galido; at Philippine Air Force (PAF) Commanding General, Lt. Gen. Stephen Parreno Bukod sa iba pa.

Sa ulat, inakusahan ng AFP ang Chinese personnel ng sapilitang pagkuha sa isa sa apat na food packages na nakalaan para sa Filipino troops na nakatalaga sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Mayo 19.

Ayon kay Trinidad, Inilarawan ni Pangulong Marcos ang kamakailan lamang na agresibong aksyon ng Tsina sa WPS bilang “illegal” at “not within the bounds of international law.”

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Philippine Navy na inatasan ni Pangulong Marcos ang AFP na “not to be deterred in performing its mandate” para tiyakin ang territorial integrity ng bansa at protektahan ang pag-angkin nito sa the WPS.

Matatandaang, binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang keynote address sa 21st edition ng International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore ang maritime challenges na kinahaharap ng Pilipinas sa WPS at ang mga developments sa Indo-Pacific region.

“We have defined our territory and maritime zones in a manner befitting a responsible and law-abiding member of the international community. We have submitted our assertions to rigorous legal scrutiny by the world’s leading jurists. So, the lines that we draw on our waters are not derived from just our imagination, but from international law,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Inulit din ni Pangulong Marcos na committed ang gobyerno na “protect our sovereign home — to the last square inch, to the last square millimeter.”

Bilang tugon, napaulat na kinastigo ng Chinese Foreign Ministry ang naging talumpati ni Pangulong Marcos. Para sa mga tsino, ito’y pagtatangka na “disregard history, designed to amplify the Philippines’ wrongful position on the South China Sea row.” Kris Jose