Home NATIONWIDE Pinas suportado ng mga kaalyado sa gitna ng agresyon ng Tsina sa...

Pinas suportado ng mga kaalyado sa gitna ng agresyon ng Tsina sa WPS

MANILA, Philippines – SUPORTADO ng mga kaalyado ang Pilipinas matapos na makaranas ang dalawang barko ng Pilipinas ​ng mapanganib na pagmamaniobra mula sa Tsina, dahilan upang ang isa ay bumangga sa isang Chinese vessel at nag-iwan ng apat na sugatang filipino.

Kabilang ang mga bansang gaya ng Estados Unidos, European Union, Japan, Australia, ​New Zealand, United Kingdom, France, Sweden, at Germany ang kagyat na isinatinig ang kanilang suporta para sa Pilipinas kasunod ng insidente na nangyari nito lamang araw ng Martes, Marso 5.

Sinabi ni Washington’s​ envoy in Manila, MaryKay Carlson, na ang Estados Unidos ay kaisa ng Pilipinas at ang iba pang tagapagtaguyod ng international law sa pagsuporta sa Free And Open Indo-Pacific.

“We strongly condemn the PRC’s dangerous maneuvers at Ayungin/Second Thomas Shoal, which endangered lives, resulted in injuries, and damaged​ [the Philippine Coast Guard]’s vessels in the ​Philippines’ EEZ​ (exclusive economic zone),” ayon kay Carlson sa kanyang post sa X.

Sinabi naman ni ​EU’s top diplomat in Manila, Luc Veron, na labis siyang nababahala sa agresyon ng Tsina sa katubigan.

Tinuran naman ng Japanese embassy na labis na nakababahala ang ​”the repeated dangerous actions​” ng Tsina sa South China Sea, kabilang na ang kamakailan lamang na pagbomba ng tubig na nagresulta ng pagkasugat sa apat na Filipino at banggaan.

​”Japan will continue to stand with the Philippines and cooperate with like-minded countries to maintain the peace and stability in the region​,” anito.

Mariing kinondena naman ni ​UK Ambassador Laure Beaufils ang insidente at nanawagan sa Tsina na sundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nababahala rin ang ​New Zealand at Australia, dalawang maritime nations sa katimugan.

Para naman sa New Zealand, ang paggamit ng water cannons ​”threaten life at sea​,” habang ​”peaceful resolution of maritime disputes in accordance with UNCLOS is fundamental to regional stability.​”

“Discussing peace and stability at the ​[50th ASEAN-Australia Commemorative Summit]. Australia shares Philippines’ concerns about dangerous actions by China’s vessels at Second Thomas Shoal today. We call for restraint and respect for international law, particularly UNCLOS​,” ayon naman kay Australian Ambassador HK Yu. Kris Jose

Previous articleDNA ng Pinay na naaresto sa pag-abandona ng bangkay sa Japan, tumugma sa murder weapon
Next articleRBH No 7 target na maipasa ng Kamara ngayong araw