Home NATIONWIDE RBH No 7 target na maipasa ng Kamara ngayong araw

RBH No 7 target na maipasa ng Kamara ngayong araw

MANILA, Philippines – Target ngayong araw ng Committee of the Whole na maipasa ang Resolution of Both Houses No 7.

Ito ang inihayag ni Committee of the Whole Majority Leader Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II matapos ang naging plenary discussions kagabi na natapos alas 10:00 ng gabi.

Ayon kay Gonzales matapos na madinig ang huling mga resource persons na sasalang ngayong araw ay maaari nang maipasa ang RBH No 7.

“It is the intention that immediately thereafter, at around after lunch, that we will terminate the interpellations and proceed to adopt the resolution,” pahayag ni Gonzales.

Ngayong araw ang ika-anim na araw na deliberasyon ng Commitee of the Whole sa RBH 7.

Sinabi ni Gonzales na sa oras na maadopt na ang RBH No 7 ay susundan na ito ng regular plenary session.

Ang RBH No.7 na bersyon ng Kamara ay kahalintulad din ng RBH No.6 bersyon ng Senado na ang hangarin ay magconvene ang dalawang kapulungan para sa Constituent Assembly (Con-Ass) upang mabago ang restrictive economic provisions sa 1987 Constitution. Gail Mendoza

Previous articlePinas suportado ng mga kaalyado sa gitna ng agresyon ng Tsina sa WPS
Next articleZubiri kinalampag ni Hontiveros sa arrest order vs Quiboloy