Home NATIONWIDE Zubiri kinalampag ni Hontiveros sa arrest order vs Quiboloy

Zubiri kinalampag ni Hontiveros sa arrest order vs Quiboloy

MANILA, Philippines – Matinding kinalampag ni Senador Risa Hontiveros si Senate President Juan Miguel Zubiri na aprubahan kaagad ang arrest order laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Naunang kinasuhan ng contempt ni Hontiveros si Quiboloy matapos itong patuloy na pagbabalewala sa pagdinig na isinasagawa ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality hinggil sa akusasyon ng katiwalian, human trafficking at sexual abuse sa menor de edad.

Sa kabila ng kasong kinahaharap ni Quiboloy sa bansa, bukod pa sa money laundering at human trafficking na asuntong isinampa ng federal government ng Amerika, mahigpit itong ipinagtanggol ni Senador Robin Padilla kaya tinutulan ng contempt.

Ayon kay Hontiveros, kinasuhan ng contempt si Quiboloy matapos itong balewalain ang subpoena na ipinalabas ng komite upang dumalo sa pagdinig hinggil sa pang-aabuso ng naturang lider sa miyembro at pananalapi ng KOJC.

“This committee requests the Senate President to order his arrest so he may be brought to testify,” ayon kay Hontiveros.

Binanggit din ni Hontiveros ang liham na ipinadala ng abogado ni Quiboloy sa kanyang tanggapan na nagsasabing hindi ito dadalo sa pagdinig.

“Compelling Pastor Quiboloy to appear before a committee that already pronounced him guilty would violates his constitutional right against self-incrimination and to be presumed innocent unless proven guilty,” ayon sa liham na binasa ni Hontiveros.

Ipinaliwanag pa ni Hontiveros na “Citing Quiboloy in contempt upholds the power of the Senate in calling out resource persons to appear before public hearings and inquiries.”

“If we allow witnesses of the Senate to simply claim that appearing before a committee would violate his or her constitutional right to be presumed innocent and his or her right against self-incrimination, wala na pong kapangyarihan ang ating Senado na maglunsad ng mga imbestigasyon,” aniya.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Padilla na dumating nang huli sa itinakdang oras ng pagsisimula ng pagdinig, na kanyang tinututulan ang kasong contempt laban kay Quiboloy alinsunod sa itinakda ng Section 18 ng Rules of the Senate na dapat mayorra ng lahat ng miyembro ng komite ang maaaring baliktarin o baguhin ang contempt charges sa loob ng pitong araw.

“Ako’y nagpapasalamat muli sa inyo sa pagtanggap ng aking (I thank you again for accepting my) objection,” ayon kay Padilla kay Hontiveros.

Nakatakdang iimbitahan ng lupon sa susunod na pagdinig ang Anti-Money Laundering Council at Department of Migrant Workers upang suriing mabuti ang pagpupuslit ng malalaking halaga at panloloko ni Quiboloy. Ernie Reyes

Previous articleRBH No 7 target na maipasa ng Kamara ngayong araw
Next articleNagmemenopos prone sa heart attack