Home HEALTH Nagmemenopos prone sa heart attack

Nagmemenopos prone sa heart attack

MANILA, Philippines – Kadalasang nangyayari sa panahon ng menopausal stage ang mga atake sa puso lalo na sa mga kababaihan, sinabi ng isang dating opisyal ng Philippine Heart Association (PHA) Council on Women’s Cardiovascular .

Ayon kay PHA Council on Women’s Cardiovascular former chairperson Dr. Aileen Cynthia De Lara, ang edad na 48 , mula sa pagsisimula nila ng menopause, ay nagdudulot na ng panganib para sa mga kababaihan na magkaroon ng tinatawag nating myocardial infarction o atake sa puso.

Gayunman, binigyan-diin niya na habang ang edad ay gumaganap ng isang mahalagang papel, ang iba pang mga kadahilanan ng panganib ay dapat ding isaalang-alang upang masuri ang posibilidad na makaranas ng atake sa puso.

Samantala, nang tanungin tungkol sa kaugnayan sa pagitan ng menopause at atake sa puso, sinabi ni De Lara na ang mga kababaihan ay protektado ng estrogen dahil kadalasang pinoprotektahan nito ang mga kababaihan laban sa mga kondisyon ng cardiovascular, hormonal effect, o kolesterol.

Dagdag pa na kapag ang babae ay hindi pa menopausal , ang kanilang cholesterol levels kadalasan ay maganda ang kanilang cholesterol level, hindi masyadong mataas ang kanilang sugar level, at hindi pa sila tumataba.

“But once you have the withdrawal of estrogen, dyan na nagsisimula ang lahat, tumataas na ang cholesterol at lalaki ka na, and that poses a risk for a heart attack to happen”, binigyan-diin ni De Lara .

Samantala, karamihan naman sa mga lalaki ay nakakaranas ng heart attack dahil karamihan ay nagkakaroon ng maagang problema sa Piso kumpara sa mga babae.

Aniya ang mga babae ay dahil pinoprotektahan sila ng estrogen.

Binigyang-diin ni De Lara ang kahalagahan ng pagkilala sa mga banayad na palatandaang ito bilang mga tagapagpahiwatig ng kondisyon ng puso.

“Kaya dapat ma-educate ang mga babae na hindi chest pain, hindi chest heaviness ang nararamdaman, ‘ung pagkapagod lang o parang nanghihina”

“Minsan ‘yung iba akala dahil sa trabaho lang kaya they would feel that, but these are actually warning signs na maybe ikaw ay inaatake na sa puso “. pahayag pa ni De Lara.

Bukod dito, binanggit din ng eksperto na madalas nangyayari ang atake sa puso sa madaling araw dahil doon tumataas ang lahat ng hormones ng isang tao.

Nilinaw ni De Lara na hindi lamang atake sa puso kundi ang stroke ay nagdudulot din ng panganib tuwing madaling araw

Kaugnay nito, binibigyang diin ni De Lara ang kahalagahan ng maagang pagtuklas, na ang cardiovascular disease ay maiiwasan sa pamamagitan ng regular na check-up, laboratory tests, blood pressure monitoring, at weight management.

Hinimok ng eksperto ang mga indibidwal na kaagad humingi ng medikal na atensyon upang maiwasan ang lumalalang mga kondisyon at potensyal na pagkamatay.

Ang babala ng PHA’s ay binibigyang-diin ang kritikal na pangangailangan para sa mas mataas na kamalayan, maagap na pangangalaga sa kalusugan, at maagang interbensyon upang labanan ang lumalaking banta ng mga atake sa puso, lalo na sa mga kababaihan sa panahon ng menopausal stage. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleZubiri kinalampag ni Hontiveros sa arrest order vs Quiboloy
Next articleAlden, nagsalita na sa Cat-Sam isyu!