Home ENTERTAINMENT Alden, nagsalita na sa Cat-Sam isyu!

Alden, nagsalita na sa Cat-Sam isyu!

Manila, Philippines – Pumiyok na si Alden Richards sa isyung siya ang dahilan sa balitang may pinagdaraanan sa kanilang relasyon sina Catriona Gray at Sam Milby.

Para kasing timing na timing ang pagkakadawit ni Alden.

Nito kasing time na balitang magkasama sila sa iisang endorsement ng Miss Universe

2018 ay saka pumutok ang balita tungkol sa engaged couple.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, mariing itinanggi ni Alden ang kanyang involvement.

“Hindi po ako nakikiapid…never ko ‘yan ginawa sa buong buhay ko!” sumusumpang sabi ng Kapuso actor.

Paano raw mangyayari ‘yon samantalang nananahimik siya?

Nakaladkad din kasi ang pangalan ng Multi-Media Star sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Again, Alden swore to high heavens that he had nothing to do with it.

Aniya, “Why is it that if anything happens between two celebrities who are romantically involved with each other, and who happen to be my friends, ako ang laging itinuturo?

“Wala akong kinalaman diyan!”

Kung tutuusin nga raw ay ipinagdarasal ni Alden na kung anuman ang problema ng mga ito sa kanilang respective relationships ay maayos sana nila ito.

“Bakit laging ako na lang nang ako ang sinasabing third party when I even pray that they fix whatever needs to be fixed sa relasyon nila?” nagtataka ring sabi ni Alden. Ronnie Carrasco III