Home METRO Arrest warrant vs killer ng broadcaster ilalabas na – PTFoMS

Arrest warrant vs killer ng broadcaster ilalabas na – PTFoMS

MANILA, Philippines – Inaasahang maglalabas ng warrant of arrest ang Misamis Occidental Regional Trial Court (RTC) laban sa tatlong suspek sa pagpaslang sa radio broadcaster noong 2023 na si Juan Jumalin sa bayan ng Calamba , ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) nitong Martes.

Inaprubahan na ni Provincial Prosecutor Dickie Gongob ang pagsasampa ng mga kaso na murder at theft sa Misamis Occidental RTC, sinabi ni PTFoMS executive director Undersecretary Paul Gutierrez sa isang news release.

Ayon kay Gutierrez, ang pagkakilanlan ng mga suspek na kinilala lamang sa alyas na Ricky, Boboy at Inteng ay ibibunyag kapag nailabas na ang kanilang warrant.

Binanggit ang update mula sa Special Investigation Task Group (SITG) ground commander at Misamis Occidental police director Col. Dwight Monato, sinabi ni Gutierrez na nakahanap si Gongob ng “reasonable certainty of conviction” sa sandaling malitis ang mga kaso.

Sinabi ni Gutierrez na si Inteng at Boboy ay kakasuhan ng murder habang karagdagang kaso ng theft ang isasampa laban kay Ricky.

Nabanggit ni Gutierrez na ang PTFoMS, sa tulong ng APO Production Unit, ay nakapag-print ng humigit-kumulang 70,000 piraso ng “wanted” flyers upang mapabilis ang kanilang pag-aresto.

Aniya, nasa 40,000 piraso ng flyers ang naipadala na sa opisina ng Monato sa Oroquieta City para ipakalat sa Misamis Occidental at mga kalapit na lugar.

Dagdag pa ni Gutierrez na pumayag din ang Philippine Ports Authority (PPA) na ipakalat ang natitirang 30,000 piraso ng flyers sa lahat ng port’s sa bansa lalo na sa Mindanao.

Ang pagkakilanlan ng mga suspek ayon kay Gutierrez ay kinilala ng SITG at mga complainant na isinute sa opisina ni Gongob , ilang araw matapos mapaslangbsi Jumalon.

Sinabi ni Gutierrez na inaprubahan din ni Gongob ang rekomendasyon ng pagdalo kay piskal Mark Jerome Labad para tanggihan ang alibi na iniharap nina Inteng at Boboy para dumistansya sa insidente.

Kilala rin bilang DJ Johnny Walker ng Calamba Gold FM 94.7 si Jumalon na binaril sa loob ng kanyang home studio sa Purok 2 , Barangay Don Bernardo A. Neri, habang nagla- livestreaming sa kanyang regular morning program “Pahapyod sa Kabuntangon” noong Nov. 5, 2023.

Makikita sa footage ng security camera si alyas Ricky lumapit kay Jumalon na nakaupo at pinagbabaril ito ng malapitan gamit ang isang .45 caliber pistol.

Pagkatapos ay kinuha ang gintong kuwintas ni Jumalon bago tumakas kasama ang kanyang mga kasabwat sakay ng isang motorsiklo.

Ang pagpatay na nakunan ng live sa camera ay umani ng malawakang pagkondena, kung saan inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas at ang PTFoMS na mabilis na aksyunan ang kaso ni Jumalon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleAlden, nagsalita na sa Cat-Sam isyu!
Next articleSinira ng El Niño sa agri sector pumatak na sa P1B