Home HEALTH Pinas swak sa may mataas na kaso ng Hepa B

Pinas swak sa may mataas na kaso ng Hepa B

MANILA, Philippines – Naalarma ang World Health Organization (WHO) sa bilang ng mga buhay na nawala dahil sa mga impeksyon sa viral hepatitis, na noong 2022 ay umabot sa halos 3,500 na pagkamatay bawat araw, ayon sa 2024 Global Hepatitis report.

Ang Hepatitis ayon sa world body ay ang pangalawang nagungunang nakakahawang sanhi ng kamatayan sa buong mundo kasama ang tuberculosis.

Ang Pilipinas ay napatunayang kabilang sa mga bansang kumakatawan sa two thirds ng global disease burden ng parehong Hepatitis B at C.

Noong 2022, ang bansa ay nakapagtala ng 400,000 impeksyon sa Hepatitis C, isang sakit na hanggang ngayon ay nanatiling walang bakuna.

Ngunit mas nakababahala ay ang bilang ng mga impeksyon ng Hepatitis B na umabot sa 5.7 milyon sa lahat ng edad.

Nakakapekto ang Hepatitis B sa atay at kumakalat sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga likido sa katawan alinman sa pamamagitan ng pakikipagtalik, pagbabahagi ng mga karayom at syringe o sa panahon ng pagbubuntis o panganganak.

Kabilang sa mga sintomas ng impeksyon sa Hepatitis B ay ang pagkapagod, poor appetite, stomach pain, nausea at jaundice.

‘Di tulad sa Hepatitis C, ang Hepatitis B ay vaccine-preventable disease.

Aminado si Herbosa na ang immunization rate ay patuloy na bumababa.

Sa ulat ng UNICEF, natukoy ang Pilipinas na kabilang sa listahan ng 20 bansa na may malaking bilang ng zero-dose children. Sa katunayan, ito ay kabilang sa mga bakunang unang ipinakilala sa bata sa pamamagitan ng pentavalent vaccine, na nagbibigay din ng proteksyon laban sa influenza, diphtheria, tetanus, at pertussis.

Bukod sa vaccine hesistancy, kabilang sa mga hadlan sa pagkamit ng mataas na rate ng pagbabakuna ay ang nauuubos na stock ng mga pentavalent vaccine.

Sinabi ng DOH na ipapamahagi ang suplay sa mga lugar na nagkakaroon ng outbreak at mataas na bilang ng pertussis o whooping cough.

Upang madagdagan ang supply ng bakuna, ang DOH ay nag-order ng mga bakuna sa DTP habang hinihintay ang tatlong milyong pentavalent vaccine na inaasahang darating sa kalagitnaan ng taon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)