Home HEALTH DOH: Inflatable pools puno ng germs!

DOH: Inflatable pools puno ng germs!

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na ang swimming pool ay kailangang laging malinis at panatilihin, upang mababa ang panganib sa impeksyon at waterborne disease.

Ayon kay DOH secretary Ted Herbosa, ang parehong mga panganib ay naroroon sa mga inflatable pool at iba pang maliliit na kagamitan na ginagamit para sa bahay na walang proteksyon laban sa bakterya dahil ang tubig dito ay madalas na hindi ginagamot ng chlorine.

Pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na iwasan na maraming lumublob sa inflatable pool upang maiwasan ang bakterya mula sa ihi, dumi, pawis at laway mula sa isang pamilya na maaring maipasa sa pamamagitan ng tubig sa iba.

Payo ni Herbosa sa publiko, pagkatapos mag-swimming ay dapat magshower at magsabon nang nabuti.

Ang mga pool na hindi regular na pinapanatili ay maari ding iulat sa DOH para sa water testing upang matukoy kung ang chlorination ay ginagawa para sa kaligtasan ng publiko. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)