MANILA, Philippines – ITINUTURING ng mga Australian traveler ang Pilipinas bilang pangunahing ‘tropical destination’.
Isang pagkilala dahil sa lumalagong katatagan ng bansa sa global tourism stage.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco para sa nasabing pagkilala at binigyang-diin ang kakaibang karanasan na inaalok ng bansa.
“We are thrilled to see the Philippines becoming a top choice for Australian travelers. With our stunning natural beauty, rich cultural heritage, and remarkable affordability, we provide an ideal destination for an unforgettable yet budget-conscious holiday,” ang sinabi ni Frasco.
Ang tumataas na gastos sa traditional tourist hotspots ang nag-udyok sa maraming Australians na maghanap ng alternatibong vacation spots, ginagawang kaakit-akit na opsyon ang Pilipinas.
Ipinahihiwatig ng data mula sa Australian Bureau of Statistics ang isang makabuluhang pagtaas sa bilang ng mga Australian visitors sa Pilipinas, tumaas mula 112,500 noong 2022 hanggang 233,170 noong 2023.
Ang Pilipinas ay kilala para sa magkakaibang atraksyon nito, mula sa crystal-clear waters ng Palawan’s Bacuit Archipelago at iconic white sands ng Boracay hanggang sa masarap at malasang local cuisine at masiglang cultural experiences.
“Affordability remains a key draw, with excellent value in accommodations and activities, including island-hopping, snorkeling, and diving in celebrated destinations like Coron and El Nido,” ayon kay Frasco.
“We are dedicated to ensuring that the Philippines remains a beautiful destination for generations to come. We invite Australians to explore not just our beaches but also our vibrant culture, delectable cuisine, and the world-renowned hospitality of our people,” aniya pa rin sabay sabing “Accessibility has also played a crucial role in enhancing the Philippines’ attractiveness. Low-cost carriers such as Cebu Pacific have made travel easier, with over 100,000 passengers flying from Melbourne and Sydney to Manila in 2023.”
Idagdag pa rito ang mga major airlines gaya ng Qantas at Philippine Airlines, ay nag-aalok ngayon ng ‘direct flights’ mula Sydney, Melbourne, Brisbane, at Perth, itinatag ang Pilipinas bilang isang ‘convenient tropical getaway.’ Kris Jose