Home IN PHOTOS Earthquake drill isinagawa sa MPD HQ

Earthquake drill isinagawa sa MPD HQ

134
0
(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Muling nagsagawa ng earthquake drill ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nitong Huwebes ng umaga sa kanilang headquarters.

Ito ay bilang pakikisa na rin sa third quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Layon ng drill na maging handa ang bawat kapulisan o indibidwal sa posibleng pagtama ng malaking pagyanig lalo na ang kinatatakutang The Big One.

Bukod dito, mabibigyan din ng tamang kaalaman ang mga tao kung paano kumilos sa panahon ng lindol at kung ano at paanong gagawin sa oras ng paglikas o evacuation.

Ibat-ibang senaryo ang nakikita sa nasabing drill kung saan may mga hawak na pananggalang sa ulo ang lumalabas sa gusali ng MPD.

Mahalaga ang nasabing drill upang mapalakas ang kamalayan sa kaligtasan at handa sa mga sakuna.

Ayon sa pamunuan ng MPD, ang aktibong pakikiisa o partieipasyon sa ganitong mga drill ay mas pinapalakas ang kahandaan, kaalaman sa pagharap sa mga hindi inaasahang sakuna. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here