Home NATIONWIDE Pinas uulanin sa northeast monsoon at easterlies

Pinas uulanin sa northeast monsoon at easterlies

MANILA, Philippines – Mararanasan ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa northeast monsoon na nakakaapekto sa extreme northern Luzon at easterlies sa silangang bahagi, sinabi ng PAGASA sa 4 a.m. weather bulletin nitong Miyerkules.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms.

Dahil sa northeast monsoon, ang Batanes ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan, habang ang Babuyan Island ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at isolated thunderstorms na dala ng shear line.

Ang natitirang bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin dulot ng easterlies. Posibleng flashflood o landslide dahil sa malakas na pag-ulan, sabi ng PAGASA.Samantala, patuloy na hum

ihina ang Tropical Depression Man-Yi (dating Pepito) sa labas ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR). Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Sinabi ng PAGASA na hindi nito binabantayan ang anumang low pressure area sa labas ng PAR.

Para sa tatlong araw na pagtataya nito, sa Nobyembre 21, Huwebes, kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Batanes at Babuyan Islands, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng isolated rainshowers o thunderstorms. RNT