Home METRO Pinatalsik na Mandaluyong police chief positibo sa confirmatory drug test

Pinatalsik na Mandaluyong police chief positibo sa confirmatory drug test

MANILA, Philippines- Muling nagpositibo sa confirmatory test ang sinibak na hepe ng Mandaluyong City Police na si Col. Cesar Gerente, na matatandaang naiulat na nagpositibo sa surprise drug test noong Agosto 24.

Sinabi ni PNP acting PIO chief Col. Jean Fajardo na umarangkada na ang pre-charge investigation laban kay Gerente at binigyan siya ng 15 araw upang pabulaanan ang resulta ng confirmatory test.

Gayundin, nagpositibo muli sa confirmatory test ang dalawa pang non-commissioned officers.

“Meron silang 15 days to challenge yung result ng kanilang drug test. Pupuwede silang mamili ng laboratory na accredited ng DOH para magsagawa ng test doon sa urine test na isinubmit nila,” anang opisyal.

Sinampahan na sila ng reklamong conduct unbecoming of a police officer at ang parusa rito ay pagkakatanggal sa serbisyo.

Kasalukuyang nasa Regional Personnel and Holding Unit ng NCRPO si Gerente sa ilalim ng restrictive custody na ito. RNT/SA