Home METRO Mga labi ng biktima ng sunog sa QC isasailalim sa DNA tests

Mga labi ng biktima ng sunog sa QC isasailalim sa DNA tests

MANILA, Philippines- Isasailalim ang mga bangkay ng mga biktimang nasawi sa sunog sa isang bahay na ginamit para sa T-shirt printing business sa Quezon City sa DNA tests para sa pagtukoy ng pagkakakilanlan.

Base sa ulat nitong Biyernes, bumiyahe ang kaanak ng ilang sa mga biktima mula sa Occidental Mindoro kasunod ng masaklap na insidente.

Sumailalim sila sa swab testing sa Camp Crame, na bahagi ng proseso ng DNA testing ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group.

Walo sa 18 biktima ng sunog ay galing sa Occidental Mindoro.

Sinabi ng PNP na posibleng abutin ng isang buwan bago lumabas ang resulta ng test.

Wala namang bagong pahayag ang Bureau of Fire Protection subalit matatandaang sinabi nito na hindi dapat nag-operate ang printing business.

Patay ang 15 indibidwal, kabilang ang may-ari, sa insidenteng naganap sa Pleasant View Subdivision sa Barangay Tandang Sora noong Huwebes ng alas-5:30 ng umaga. RNT/SA