Home Uncategorized Pinay fencer Maxine Esteban nagpalit ng nasyonalidad

Pinay fencer Maxine Esteban nagpalit ng nasyonalidad

MANILA, Philippines – Pormal nang binigyan ng go signal ng Philippine Fencing Association (PFA) ang paglipat ng kaniyang nationalities ni Maxine Esteban.

Ito’y matapos magpasya ang world number 84 na katawanin ang Ivory Coast sa kaniyang pagsabak para makakuha ng spot sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay PFA president Richard Gomez, sumulat siya  sa International Fencing Federation para aprubahan ang paglipat at nagpasa na rin sila ng petisyon para i-waive ang three-year residency rule kay Esteban.

Aminado si Gomez na wala silang magagawa sa desisyon ni Maxine kundi suportahan ito para makamit niya ang pangarap nitong makapaglaro sa Olympics.

Produkto ng Ateneo si Maxine at may career-high ranking na 62 na naabot ng isang Pinoy fencer.

Ayon sa ulat, siya ang pinakahuling Filipino athlete na naging naturalized players ng ibang bansa na ang iba ay sina Yuka Saso ng golf, Jaja Santiago sa volleyball at si chess star Wesley So.JC