Home HOME BANNER STORY Pinay na guro, arestado sa Thailand sa pag-iwan ng patay na sanggol...

Pinay na guro, arestado sa Thailand sa pag-iwan ng patay na sanggol sa banyo ng mall

170
0

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad sa Thailand ang isang Filipina na guro matapos umanong iwan ang kanyang patay na sanggol sa loob ng banyo ng isang mall noong Marso 20, ayon sa Philippine Embassy sa Bangkok.

Hindi pinangalanan ang overseas Filipino worker (OFW) na nadakip sa isang bus station ilang oras matapos umalis sa mall, matapos matuklasan ng isang concerned citizen ang sanggol at iulat ito sa pulisya. Sa pamamagitan ng CCTV footage, natunton at naaresto ang suspek, ayon kay Philippine labor attaché Don Pancog.

“She was forced to deliver her baby in one of the bathroom cubicles here at one of the malls here in Thailand. The medical reason for that, we still do not know. It may have something to do with the very, very hot weather here right now because she relayed to us that she was walking for a long time and she had to stop for certain brief periods; it may have something to do as well with, of course, she’s already in her last trimester… What we’re very very sure of is that she’s very distressed,” ani Pancog.

Kasalukuyang nakadetine ang OFW sa isang women’s correctional facility at iniulat na umiiyak at nagsisisi nang kapanayamin ng mga opisyal ng Pilipinas.

“Hindi niya rin maintindihan. Hindi niya rin alam. Hindi niya rin masabi kung bakit niya nagawa ‘yun. She was full of remorse. Her recollection of the event was very hazy. But this is not her first child kasi,” dagdag ni Pancog.

“In a state of panic when the baby’s head went out, she just did what I think any other mother would do. So, deliver the baby herself,” aniya pa.

Ayon kay Chargé d’Affaires Charmaine Guevara ng Philippine Embassy, nakararanas ng matinding mental stress ang Filipina.

“And more so now na mayroon din siyang psychosocial na mga pangangailangan din po,” ani Guevara.

Batay sa imbestigasyon ng embahada, hindi umano alam ng guro na siya ay buntis nang dumating sa Thailand noong Oktubre 2025 at nalaman lamang ito makalipas ang isang buwan. Pitong buwan na umano siyang buntis nang mangyari ang insidente.

May kinakasama at isang anak ang OFW at nahaharap sa imbestigasyon kaugnay ng posibleng kasong murder o infanticide, tampering with evidence, at disposal of a corpse.

“Noong siya po ay na-apprehend noong two Fridays ago, she was immediately brought to a medical facility dahil pina-check po siya dahil nanganak po siya eh. At saka rin siya inapplyan for—, inapplyan ‘yung ma-extend ‘yung detention sa kanya for further investigation. Bukod naman po sa investigation towards her, mayroon din ‘yung sa forensic doon sa bata po. And this will definitely take time kasi marami ang kailangan ma-establish towards sa kanya. Siya ba ang nanay? May kaugnayan ba sila? Ano ang nangyari du’n sa bata? Or ano nag-cause?” ani Pancog.

Sinabi ng embahada na may itinalaga nang abogado para sa OFW at magbibigay ng kinakailangang medical at psychosocial support kung papayagan ng Thai authorities. Nakatakda rin ang face-to-face visit ng mga opisyal sa Abril 1.

Nanawagan din ang mga opisyal sa publiko na iwasan muna ang paghuhusga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“Kami naman po sa Philippine embassy, sa Migrant Workers Office, kami po ay nakikiusap po sa ating mga kababayan na i-hold po muna natin ang ating mga paghuhusga, lalo na po sa mga short comments tungkol sa ating distressed na kababayan. Alalahanin po natin na siya rin po ay isang ina at na meron rin pong pamilya. Hangga’t hindi po natin alam kung ano ang tunay ng mga pangyayari, atin na lamang pong isama siya sa ating mga dasal, lalung-lalo na ngayong Mahal na Araw,” ani Pancog. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here