Home NATIONWIDE Mga mananaya bokya sa P243M lotto jackpots

Mga mananaya bokya sa P243M lotto jackpots

105
0

MANILA, Philippines — Walang nakapag-uwi ng jackpot sa mga draw ng Ultra Lotto 6/58, SuperLotto 6/49, at Lotto 6/42 nitong Martes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Lumabas ang kombinasyon na 36-07-29-26-58-09 sa Ultra Lotto 6/58 para sa ₱75 milyong jackpot. Sa SuperLotto 6/49, ang numerong 22-42-18-28-08-17 ang binunot para sa ₱157.95 milyong jackpot, habang 16-22-03-30-36-04 naman sa Lotto 6/42 para sa ₱10 milyong premyo.

Sa minor games, may isang nanalo sa 6D Lotto gamit ang kombinasyong 8-3-7-4-1-7 at nag-uwi ng humigit-kumulang ₱5.03 milyon.

Samantala, ang lumabas sa 3D Lotto ay 8-3-4 (2 p.m.), 9-9-0 (5 p.m.), at 0-9-4 (9 p.m.), na may tig-₱4,500 na premyo. Sa 2D Lotto, ang mga numerong 18-13 (2 p.m.), 22-04 (5 p.m.), at 08-20 (9 p.m.) ay may tig-₱4,000 na panalo.

Ayon sa PCSO, ginaganap ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo; ang SuperLotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo; at ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here