Home NATIONWIDE Maalinsangang panahon mararanasan ngayong Miyerkoles Santo

Maalinsangang panahon mararanasan ngayong Miyerkoles Santo

135
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang maaliwalas at karaniwang tuyong panahon sa buong bansa ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

“Also expect a warm and humid weather, especially at noon,” ayon kay weather specialist Chenel Dominguez, na nagpaalala rin na may posibilidad ng panaka-nakang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Inaasahang aabot sa 35°C ang pinakamataas na temperatura sa Tuguegarao, habang 34°C naman sa Zamboanga at Davao.

Ayon pa kay Dominguez, maaaring pumalo sa 45°C ang heat index sa Virac, Catanduanes, habang nasa 34°C hanggang 35°C naman ang posibleng maramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Wala namang binabantayang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.

Patuloy ring mararanasan ang mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang alon sa buong kapuluan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here