Home NATIONWIDE Pinay patay sa sunog sa Dubai

Pinay patay sa sunog sa Dubai

MANILA, Philippines – Kabiang ang isang Pinay sa limang nasawi sa sunog na naganap sa isang residential building na Sharjah Tower sa Dubai, U.A.E.

Base sa mga ulat, kinilala ang nasabing Pinay na nasa 40-anyos habang damay din ang mister nito na nasugatan sa nangyaring sunog.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Dubai na suffocation ang ikinasawi ng mga biktima.

Sinabi ng nakatalagang Philippine Consulate doon, sinusubaybayan ang kalagayan ng mister ng Pinay na nasa intensive care unit.

Nasa 10 iba pang Pinoy ang naitalang sugatan sa insidente.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang konsulado ng Pilipinas sa pamilya na naulila ng nasawing Pinay. RNT