Home SPORTS Pinoy amateur shooter bronze sa World shootfest event

Pinoy amateur shooter bronze sa World shootfest event

MANILA, Philippines -Nasungkit ni Miguel Archangel Cruz, 16 taong gulang na Filipino amateur shooter, ang bronze medal sa katatapos na prestihiyosong 5th World Rimfire at Air Rifle Benchrest Championship na ginanap noong Hulyo 26 hanggang Agosto 3, 2023 sa Pisen Czech Republic.

Nakipagkumpitensya si Cruz sa rim heavy rifle category laban sa iba pang benchrest rifle competitors mula sa 23 iba pang bansa na may 237 shooters.

Si Miguel ay miyembro ng 10-man Philippine delegation mula sa Philippine Shooting Association (PNSA).

Si Cruz ay sumailalim sa tatlong buwang amateur shooting training sa ilalim ng pamumuno ni coach Jimmy Maniwang at pinangasiwaan ni Delia Quidato na parehong bumubuo sa PNSA.

Siya ay orihinal na nagdala ng kanyang sariling rifle, gayunpaman sa panahon ng competition proper hindi niya nagamit ang sarili niyang rifle at kinailangan niyang humiram ng rifle ng isa pang kakumpitensya.

Sa kabila nito, nagawa niyang acclimatize ang sarili sa bagong rifle at nailagay sa ika-3 laban sa mas maraming batikang Australian shooters na nanalo ng ginto at pilak na medalya.

Sinuportahan ng PNSA ang nasabing kaganapan sa pamamagitan ng pagpapadala ng ilan sa kanilang mga opisyal at coach.

Ang PNSA president ay si Congressman Faustino Mchael Dy III habang ang chairman nito ay si retired Major General Natalio Ecarma III.

Si Miguel ay isang senior high school student ng University of the Asia and the Pacific sa Pasig City.

Agad namang binati ni Philippine Sports Commision Chairman Richard Bachmann ang nakamit na karangalan ni Miguel sa world event.RICO NAVARRO