MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang Filipino babysitter sa Alaska, USA nang akusahan itong nanggahasa umano sa isang menor-de-edad.
Kasalukuyang nakapiit sa Anchorage Correctional Complex ang 27-anyos na Pilipino, tubong-Pampanga, matapos siyang arestuhin ng mga awtoridad mula sa Police Crime Against Children Unit (CACU).
Nanawagan naman ang Anchorage Police Department sa iba pang posibleng nabiktima ng suspek na na makipag-ugnayan sa kanila.
Nahaharap ang Pinoy sa three counts of sexual abuse of a minor.
Batay sa mga awtoridad, anim na taon nang nagtatrabaho ang Pinoy sa nasabing lugar bilang isang childcare provider.
Naniniwala ang CACU detectives na may iba pang nabiktima ang suspek. RNT/SA