Home NATIONWIDE Totoy aksidenteng nabaril kalaro, patay!

Totoy aksidenteng nabaril kalaro, patay!

MANILA, Philippines- Maagang binawian ng buhay ang pitong taong gulang na anak ng isang single mom na overseas Filipino worker, matapos aksidenteng mabaril ng kanyang 10-anyos na kalaro sa Sta. Cruz, Davao Del Sur.

Batay sa ulat nitong Biyernes, naganap umano ang insidente sa  isang farm sa Barangay Astorga nitong Enero 27.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, inihayag ni Sta. Cruz Police Station Chief, Lieutenant Colonel Kristopher Sabsal, na habang naglalaro ang dalawa ay nakakita ng baril ang mas matandang bata na inakala niyang laruan lamang.

“To his curiosity sa katong bata nga suspek, iyang gikuha ang pusil ug gi-aim sa iyang kadula nga biktima kay nagtuo siya usa lang to nga toy gun,” paglalahad ni Sabsal.

Tinamaan sa dibdib ang biktimang kinilalang si Gabriel Jay Cabisa nang pumutok ang baril, na agad niyang ikinasawi.

Nag-post naman sa social media ang ina ng biktima na si Mery Joy Flores na hindi siya makauwi dahil wala siyang pamasahe.

Iniulat ng mga awtoridad na nagkasundo na ang dalawang pamilya na hindi na magsasampa ng kaso.

Sa kasalukuyan ay naiuwi na ang bangkay ng biktima sa Magpet, Cotabato, habang nasa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang nakabaril upang sumailalim sa counseling. RNT/SA

Previous articleHigit 200 indibidwal biktima ng pekeng business permit sa Pasay
Next articlePinoy babysitter sa Alaska tiklo sa ‘panggagahasa’ sa minor!