Home NATIONWIDE Pinoy Bishop inilagay ni Pope Francis bilang Archbishop ng Agaña, Guam

Pinoy Bishop inilagay ni Pope Francis bilang Archbishop ng Agaña, Guam

MANILA, Philippines – Isa pang Pinoy Bishop ang itinilaga ni Pope Francis sa katauhan ni Most Reverend Ryan P. Jimenez, Bishop ng Diocese ng Chalan Kanoa bilang Metropolitan Archdiocese of Agaña, Guam .

Gaganapin ang Installation Mass sa Agosto 15 sa Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary sa Dulce Nombre de Maria Cathedral-Basilica in Hagatna, Guam , ayon sa Episcopal Conference of the Philippines o CEPAC.

Nagsisilbi bilang presidente ng CEPAC sa kasalukuyan si Archbishop-elect Jimenez at siya ring vice-president ng Federation of Catholic Bishops Conferences of Oceania o FCBCO na binubuo ng mga bishops conferences mula Australia, New Zealand, Papua New Guinea, Solomon Islands, at CEPAC.

Siya rin ay tumayong consultant ng United States Conference of Catholic Bishops o USCCB Subcommittee on Asian and Pacific Islander Affairs.

Ayon pa sa USCCB, si Archbishop-elect Jimenez ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas na nagtungo sa Commonwealth of the Northern Mariana Islands o CNMI taong 1995.

Nagturo sa Eskuelan San Francisco de Borja, isang Catholic school sa isla ng Rota. Taong 1999 nang natanggap sa seminary program sa Diocese of Chalan Kanoa.

Noong June 8, 2003-2010, itinalaga siyang pari. Itinakda siyang Apostolic Administrator ng Chalan Kanoa at naging second bishop nito noong 2016.

Inaasahang magtatapos si Archbishop-elect Jimenez sa susunod na taon sa kanyang pag-aaral ng Doctor of Ministry (DMin) degree sa Graduate School of Religion and Religious Education sa Fordham University, isang Jesuit University sa New York. Jocelyn Tabangcura-Domenden