Home NATIONWIDE NASA magpapadala ng artificial star sa kalawakan

NASA magpapadala ng artificial star sa kalawakan

UNITED STATES – Inaasahang maglulunsad ng isang artificial star ang NASA.

Ang Landolt Space Mission ay maglulunsad ng isang manmade celestial object sa 2028 o 2029 at iikot sa mundo mula sa layong 22,236 miles na mananatili sa taas ng Estados Unidos.

Layunin ng artificial star na makatulong sa telescope calibration.

Gagamitin ito ng mga scientist para i-adjust ang mga telescope at mas maayos na makita ang iba pang heavenly bodies. RNT/JGC