Home NATIONWIDE POGO ban ‘di pa tinalakay ng Gabinete – Balisacan

POGO ban ‘di pa tinalakay ng Gabinete – Balisacan

MANILA, Philippines -HINDI pa tinatalakay sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan na ipagbawal na ang mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Sa press briefing sa Malakanyang, tinanong kasi si National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, araw ng Martes kung napag-usapan na ng mga miyembro ng Gabinete ang usapin ukol sa pagba-ban sa POGO operations.

Nananatili naman ang posisyon ni Balisacan kaugnay sa POGOs, at ang gobyerno ay dapat na nakatuon sa pagbibigay ng ‘high quality jobs’ para sa publiko.

”Wala, we haven’t really talked about it at the level of economic managers, I’m not aware if there are other meetings but I keep my view that our attention, our focus should be generating high quality jobs,” ayon kay Balisacan.

”I think that there are a lot of opportunities for the country, for the economy, for our workers, we can focus on those,” dagdag na wika nito.

Nauna rito, mas gugustuhin ng opisyal mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang dahan-dahang phaseout sa POGOs kaysa sa total ban.

Sinabi ni PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio na ang dahan-dahang pagpapalayas sa POGO at tradisyunal na mekanismo ay magdudulot ng tuluyang pagbuwag sa mga scam farms.

“So, siguro before we direct ourselves to a discussion on total ban, we could probably revisit discussions of phaseout,” ani Casio.

Nilinaw niya na ang desisyon sa POGO ay isang policy issue.

“That is way… way, way, way above my pay grade. So, on matters like that, we would defer to, first our Executive Secretary (Lucas Bersamin) who’s the chairman of our commission,” dagdag pa ng opisyal.

Anuman ang rekomendasyon na ibigay ni Bersamin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang chief policymaker umano ay “we’ll leave it to him. We defer to his decision.”

Sa ngayon ay mayroon na lamang 42 POGOs ang legal na pinatatakbo sa Pilipinas. Isa sa Kawit, Cavite at ang iba ay sa Metro Manila.

Nasa 298 POGO licenses ang kinansela ng pamahalaan ngunit may ibang illegal pang pinatatakbo sa ibang bahagi ng bansa.

“So kung mayroon ka sa Northern Luzon, Central Luzon, Calabarzon, Bicol all the way to Mindanao and Central Visayas, ibig sabihin lahat iyon ilegal,” ani Casio.

“A good number of them have gone underground,” dagdag niya. Kris Jose