Home ENTERTAINMENT Marc, may bago nang jowa?

Marc, may bago nang jowa?

Manila, Philippines – It’s a tie!

Ito ang sama-samang isinisigaw ng mga netizen makaraang umamin na si Kris Aquino na meron na siyang bagong kasintahan.

Sa vlog interview ni Ogie Diaz, hindi sana aamin si Kris kung hindi siya binisto ng sariling anak na si Joshua.

A little later, mismong kay Kris na nanggaling that her new boyfriend happens to be a doctor who resides in Makati.

Kagyat ding naglabas ng reaksyon ang dating nobyo ni Kris na si Batangas Vice Governor Marc Leviste.

Aniya, tanggap daw niya ang sinapit ng kanilang relasyon ni Kris.

Idinagdag pa ni Marc na pinagtagpo lang sila ni Kris, pero hindi itinadhana para sa isa’t isa.

Bagama’t break na sila’t may bago nang mahal si Kris, hindi raw ibig sabihing malungkot ang puso ni Marc.

May kumakalat kasing tsika na may ibang babae na ring nakabighani sa puso ng pulitiko.

Nagmula rin daw sa political family ang babae na matagal nang kilala ni Marc.

Hindi lang tiyak kung nililigawan ito ni Marc sa kasalukuyan o nobya na niya.

But it would be nice to know that Marc also has a newfound love.

Ang lagay, si Kris lang ang happy? Ronnie Carrasxo III