Home NATIONWIDE Pinoy crew members na sakay ng 2 barkong inatake sa Persian Gulf,...

Pinoy crew members na sakay ng 2 barkong inatake sa Persian Gulf, ligtas – DMW

187
0

MANILA, Philippines – Ligtas ang mga Pinoy crew members na sakay ng dalawang barko na inatake sa Persian Gulf malapit sa Strait of Hormuz, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes, Marso 12..

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, tatlong barko ang iniulat na tinamaan ng projectiles o hindi tukoy na bagay sa nakalipas na 48 oras ngunit dalawa lamang sa mga barkong ito ang may sakay na Filipino crew.

“Yung isang barko, may 21 crew. They are all safe, Filipino crew. And then yung isa, may 17 Filipino crew and they’re all safe. And they’re being transported to safer port at the moment,” ani Cacdac sa panayam ng DZBB.

“Yung pangatlo is the Thai flagship. So walang Filipino doon,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Cacdac na patuloy na minomonitor ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sitwasyon ng Filipino seafarers sa Middle East sa kabila ng tensyon na nakakaapekto sa maritime routes sa Persian Gulf.

Aniya, nasa 7,313 Pinoy seafares ang kasalukuyang naka-deploy sa Midle East at tinukoy na nasa ligtas na kondisyon.

Nanawagan si Cacdac sa mga may-ari ng barko at manning agencies na protektahan ang mga Pinoy seafarer at igalang ang kanilang karapatan na tumanggi sa deployment sa mapanganib na lugar.

“Patuloy tayong nananawagan sa mga ship owners and manning agencies na protektahan ang ating mga seafarers. Galangin ng kanilang right to refuse sailing. At kapag sila ay tumanggi, bigyan sila ng dalawang buwang sahod at libreng repatriation,” sinabi pa ng opisyal.

Sinabi rin ng DMW chief na ang polisiya ay kinikilala sa ilalim ng international maritime labor arrangements. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here