MANILA, Philippines – Nakabalik na sa bansa ang 22 Filipino seafarers na bahagi ng mga crew ng MT Sounion na inatake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea.
Ang mga seafarer ay sakay ng tatlong magkakahiwalay na flight na dumating sa
Ninoy Aquino International Airport nitong Sabado, Agosto 31.
Sinalubong ang mga ito ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at representatives ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Binigyan ang mga ito ng financial assistance mula sa DMW AKSYON Fund at karagdang cash aid mula DSWD at OWWA.
Sasagutin din ang pagkain at transportasyon ng mga ito, maging ang kanilang hotel accommodation.
Sumailalim ang mga ito sa medical assessment at psycho-social counseling.
Ang Greek-owned oil tanker MT Sounion ay inatake ng Houthi rebels noong Agosto 21.
Nasunog ang naturang barko at nakaranas ng enginer power cut matapos ang pag-atake.
Nasagip ang mga crew ng isang European naval mission. RNT/JGC