MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Department of Tourism (DoT) Sec. Christina Garcia-Frasco ang groundbreaking rites para sa konstruksyon ng tourism facility sa Initao, Misamis Oriental o ilang kilometro mula sa Laguindingan international airport.
Ang tourist rest area (TRA), na itatayo sa halagang P10 milyon ay matatagpuan sa national highway.
Ito ang ikalawang pasilidad na itatayo sa northern Mindanao at ika-11 sa buong bansa.
Ang TRA ay flagship initiative ng DoT para magbigay ng kaginhawaan sa mga turista at biyahero kung saan maaari silang matulog at maligo.
May mga ibebenta rin dito na mga local delicacies para sa pasalubong. RNT/JGC