Home NATIONWIDE Pinoy farmers, solid ang suporta sa kandidatura ni Abalos

Pinoy farmers, solid ang suporta sa kandidatura ni Abalos

MANILA, Philippines – Nakakuha ng solid na suporta mula sa mga Pilipinong magsasaka si senatorial candidate Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ngayong linggo sa kanyang pagbisita sa Nueva Ecija, ang lalawigang kilala bilang “rice bowl” ng bansa.

Sa ginanap na dayalogo sa loob ng National Food Authority (NFA) compound sa Nueva Ecija, iba’t ibang grupo ng mga magsasaka ang nagtaas ng kamay ni Abalos bilang pagpapakita ng pagkakaisa at suporta sa kanyang kagustuhang amyendahan ang batas na itinuturong dahilan ng kanilang pagkalubog sa utang at hirap.

Ipinangako ni Abalos na itutulak niya ang agarang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) sa harap ng 1,500 magsasaka mula sa Central Luzon—karamihan ay mula sa mga bayan ng Nueva Ecija gaya ng Guimba, Aliaga, Sto. Domingo, Peñaranda, Cuyapo, Gapan City, Talavera, Nampicuan, San Isidro, Jaen, Talugtug, Quezon, at Licab.

“The solution is simple,” sabi ni Abalos. “Give the NFA the power to buy palay at a fair price and sell it directly to the people. No need for warehouses. You help the farmers and provide affordable rice for consumers.”

“Umiikot ang pera. Nakatulong ka na sa mga magsasaka. Nakatulong ka pa sa ordinaryong Pilipino na nangangailangan ng bigas. Hindi kailangan pagdebatehan ito,” dagdag pa niya.

Ang RTL, na naisabatas noong 2019, ay nagbukas ng mas malawak na pag-angkat ng bigas ngunit binatikos dahil sa pagkalugmok ng mga lokal na magsasaka, ayon sa mga lumahok sa dayalogo.

Binigyang-diin ni Abalos na kung hindi maaaksyunan, malalagay sa panganib ang agrikultural na pundasyon ng bansa.

Tinukoy niya ang mga kahinaan ng batas, aniya’y nabigo itong magbigay ng kinakailangang proteksyon at suporta sa mga magsasaka. “Let us not wait until farmlands disappear and everything on our tables comes from imports,” babala niya. “If that happens, the entire country will suffer. We must ensure food sustainability. And the only way to do that is to support our farmers.”

Binanggit din ni Abalos ang pangangailangang palakasin muli ang papel ng National Food Authority lampas sa emergency response lamang. Ayon sa kanya, dapat payagan ang NFA na muling bumili ng palay mula sa mga magsasaka at direktang ibenta ito sa merkado.

“Ipaglalaban ko na masuportahan kayo pagdating sa produksyon, abono, at mga pasilidad,” ani Abalos sa mga magsasaka. “Hindi lang ito usapin ng pagpapalakas ng sektor ng agrikultura—dapat tiyakin na may sapat na pondo ang NFA. Mahalaga na agad naibebenta ng NFA ang palay para mabilis umikot ang pera at makinabang ang mga magsasaka. Tandaan n’yo po, sa araw na ito, kasama natin ang pamahalaan—sa pamamagitan ng DA at NFA—at yan din mismo ang aking paninindigan. Ako mismo ang magsusulong ng mga kinakailangang pagbabago sa Rice Tariffication Law.”

Kasama rin sa mga plano ni Abalos ang diskuwento sa amilyar para sa mga lupang pansakahan, allowance para sa mga anak ng magsasaka, pagpapabuti ng access sa pondo at crop insurance, at pagtataguyod ng pagpasa ng matagal nang nakabinbing National Land Use Act upang mapangalagaan ang mga lupang sakahan mula sa banta ng komersyal na paggamit.

“This is about survival—not just for farmers, but for the entire country,” sabi ni Abalos. “We need to make sure our agricultural system remains strong.” RNT