Home NATIONWIDE Pinoy kabilang sa nailigtas sa pinasabog na cargo ship sa Gulf of...

Pinoy kabilang sa nailigtas sa pinasabog na cargo ship sa Gulf of Aden —EU maritime mission

312
0

MANILA, Philippines – Isang Pilipino mula sa 19 na tripulante na nailigtas mula sa nasunog na Dutch-flagged cargo ship Minervagracht at inanod sa Gulf of Aden matapos tamaan ng pampasabog, ayon sa EU maritime mission Aspides nitong Lunes.

Kabilang sa crew ang mga Russian, Ukrainian, Filipino, at Sri Lankan.

Isang marino ang malubhang nasugatan at dinala sa Djibouti, habang isa pa ay sugatan ngunit nasa ligtas na kalagayan.

Ayon sa operator ng barko na Spliethoff sa Amsterdam, nagdulot ng matinding pinsala at sunog ang pagsabog.

Nangyari ang insidente 128 nautical miles timog-silangan ng Aden, Yemen.

Hindi pa matiyak kung ang Houthis mula Yemen ang nasa likod ng atake, bagama’t sila ay matagal nang nagtatarget ng mga barko sa Red Sea bilang suporta umano sa mga Palestino.

Kung makumpirma, ito ang unang Houthi attack sa isang komersyal na barko mula Setyembre 1, nang pinuntirya ang Israeli-owned tanker na Scarlet Ray. Noong Hulyo, pinasabog at pinalubog ng Houthis ang Magic Seas at Eternity C sa Red Sea. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here