Home NATIONWIDE Pinoy nurses binalaan sa kakulangan ng employment opportunities sa New Zealand

Pinoy nurses binalaan sa kakulangan ng employment opportunities sa New Zealand

MANILA, Philippines- Binalaan ng Philippine Embassy sa New Zealand ang Filipino nurses hinggil sa pagpunta sa bansa upang maghanap ng trabaho sa gitna ng “lack of employment opportunities” para sa foreign nurses.

“The Embassy is aware of certain individuals and agencies who offer to facilitate the hiring of foreign nurses by arranging for them to travel to New Zealand on Visitor Visa to take the Comprehensive Assessment program (CAP) or Objective Structured Clinical Examination (OSCE) for nurses and subsequently apply for registration by the Nursing Council of New Zealand (NCNZ),” anang Embahada sa isang post sa social media. 

“The Embassy has received information that due to the current lack of employment opportunities, IQNs (Internationally Qualified Nurses) who came to New Zealand on Visitor Visas have been left with no option but to leave the country upon expiry of their Visitor Visas,” dagdag nito.

Hinikayat din nito ang Filipino nurses na tiyaking may nakahandang trabaho para sa kanila bago umalis ng Pilipinas, kabilang ang lehitimong job offer na may verified contract mula sa accredited employer at tamang working visa na inisyu ng Immigration New Zealand.

Maaari nilang kontakin ang Philippine Embassy sa [email protected] o ang Philippine Migrant Workers Office sa [email protected]. RNT/SA