Home FOOD Pork pastil ‘culturally insensitive’ – BARMM exec

Pork pastil ‘culturally insensitive’ – BARMM exec

MANILA, Philippines- Sinabi ng opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Sabado na ang paggamit ng karne ng baboy para sa pastil ay “culturally insensitive” sa gitna ng lumalagong popularidad ng Moro rice dish.

Kilala ang pastil bilang nakabubusog subalit abot-kayang pagkain, na maaaring mabili mula P25.

Ito ay kaning may karne ng manok, baka, o isda sa ibabaw.

Ang nasabing pagkain ay halal, nangangahulugang tumatalima ang paghahanda nito sa mahigpit na Islamic norms at traditions.

“Pastil is very important culturally and historically for the Bangsamoro, specifically for Maguindanaoans,” giit ni BARMM spokesperson at Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun sa news forum sa Quezon City.

“We’re happy because it’s becoming mainstream in other parts of the country… [but] cultural appropriation should be looked into because in Muslim Mindanao culture… it’s culturally insensitive kapag ang ginawa nating meat sa pastil ay pork,” dagdag niya.

Inihayag ito ng BARMM official bilang tugon sa tanong ukol sa ilang business owners na nagbebenta ng “reinvented” pastil, na gumagamit ng baboy.

Ipinagbabawal ng Islam ang pagkain ng karne ng baboy dahil itinuturing nila itong maruming hayop.

“Puwedeng tawagin na lang pork binalot,” anang opisyal. RNT/SA