Home NATIONWIDE Pinoys pinag-iingat sa pagbyahe pa-Indonesia sa gitna ng mga protesta

Pinoys pinag-iingat sa pagbyahe pa-Indonesia sa gitna ng mga protesta

301
0

MANILA, Philippines – Bagama’t wala namang ipinalalabas na travel advisory sa Indonesia, pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na nagpaplanong pumunta sa nasabing bansa na ikonsiderang mabuti ang kanilang biyahe dahil sa patuloy na mga protesta roon.

Sa ulat, patuloy ang malawakang demonstrasyon na yumanig sa Jakarta at iba pang rehiyon sa nakalipas na mga araw, na nag-ugat sa galit ng publiko ukol sa panukalang monthly allowance para sa mga miyembro ng parlamento.

Umigting ang tensyon matapos makuhanan sa viral video ang isang motorcycle taxi driver na namatay matapos makaladkad ng police vehicle sa gitna ng rally sa Jakarta.

“There are some areas that are calm and business as usual, but we are continuously monitoring developments, ano. Kaya kung may mga kababayan tayo na nagbabalak magbiyahe ay isipin po muna nang mabuti,” ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Angelica Escalona sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing.

Sa ulat, may 6,000 Filipino sa Indonesia, kung saan may 1,800 ang naka-base sa Jakarta. Mayorya sa mga ito ay guro, managers, accountants, at engineers.

“So far, no Filipino has been reported affected by the unrest nor has sought assistance from the embassy,” ani Escalona.

Samantala, inulit ng Philippine Embassy sa Jakarta ang paalala sa mga Filipino sa nasabing bansa na iwasan ang mga lugar na may protesta at manatiling alerto. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here