MANILA, Philippines – Nagbigay ng paalala ang Philippine Embassy sa Qatar na manatiling kalmado at mapagmatyag ang mga Pilipino matapos ang pag-atake ng Israel sa mga lider ng Hamas sa Doha.
“Sa harap ng mga kaganapan… hinihikayat ng Embahada ang lahat ng Pilipino na manatiling kalmado, sundan ang balita mula sa mapagkakatiwalaang source, at sumunod sa payo ng mga lokal na awtoridad. Manatili sa loob ng bahay at iwasan ang pampublikong lugar kung hindi kinakailangan,” ayon sa abiso.
Ayon sa Reuters, tinarget ng Israel ang mga lider ng Hamas sa Qatar kabilang si Khalil al-Hayya, exiled Gaza chief at pangunahing negosyador. Nakaligtas naman ang ilang miyembro ng ceasefire negotiating team.
Kinondena ng Qatar ang pag-atake bilang “cowardly” at malinaw na paglabag sa international law. RNT