Home NATIONWIDE Walang Pinoy na nasaktan sa pamamaril sa Jerusalem

Walang Pinoy na nasaktan sa pamamaril sa Jerusalem

242
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang kabilang sa mga biktima ng pamamaril sa isang bus stop sa Jerusalem noong Setyembre 8.

Base sa ulat, umabot sa anim na Israeli ang patay at walo ang sugatan matapos ang pamamaril ng dalawang Palestinian gunman sa Ramot Junction.

Napatay ang mga suspek nang gumanti ng putok ang isang sundalong naka-off duty at isang sibilyan.

Walang grupong umako sa insidente, ngunit pinuri ito ng Hamas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here