
MANILA, Philippines- Tinatayang aabot na sa halagang P379.58 milyon ang pinsala ni bagyong Goring sa mga imprastraktura , ayon sa Department of Public Works ang Highways.
Sa latest report ng DPWH-Bureau of Maintenance, sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na ang partial cost ng pinsala ng imprastraktura ay P143.28 milyon para sa mga kalsada, P13.44 milyon sa mga tulay at P222.85 milyon sa flood control structures sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1 at 2.
Kabuuang 24 kalsada ang muling binuksan ng DPWH Quick Response Teams na patuloy na nagsasagawa ng clearing operation sa kabuuang anim na road sections sa CAR at Region 1 na nanatiling sarado sa trapiko.
Kabilang sa mga lugar na apektado ang mga sumusunod:
-
Abra-Ilocos Norte Road, San Gregorio, La Paz, Abra
-
Kennon Road, Camp One, Tuba, Benguet
-
Claveria-Calanasan-Kabugao Road, sections sa Brgy. Namaltugan at Brgy. Ninoy, Calanasan, Apayao
-
Dantay Sagada Road, Brgy. Antadao, Sagada, Mt. Province, K0523+ 150 – K0530+600 (Intermittent Sections) sa Ilocos Norte
-
Roxas Bridge, Vigan-San Vicente Road sa Ilocos Sur
Samantala, pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang dalawang kalsada na isang lane lamang ang madaraanan sa Ilocos Sur at Batangas:
-
Vigan Bridge 1 at 2 sa kahabaan ng Bantay-Vigan Road sa Brgy. 1, Vigan City, Ilocos Sur
-
Nasugbu-Lian-Calatagan Road, Brgy. Putting Kahoy, Lian, Batangas. Jocelyn Tabangcura-Domenden