Home METRO Pinsala sa agrikultura sa pagaalboroto ng Mayon, umabot sa P14.4-M

Pinsala sa agrikultura sa pagaalboroto ng Mayon, umabot sa P14.4-M

208
0

ALBAY, Philippines – Umabot na sa P14.4 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng patuloy na pag-aalboroto ng Mayon Volcano, ayon sa Department of Agriculture – Bicol Region (DA-5).

Ayon kay DA-5 spokesperson na si Lovella Guarin, apektado ang 314 magsasaka at mangingisda sa Albay. Nasa 1,466 metric tons ng high-value crops at produktong pangisdaan ang nasira dahil sa ashfall sa 116 ektarya ng sakahan at palaisdaan.

“Some are fishponds covered with ashfall. Some are within the six-kilometer permanent danger zone,” ani Guarin sa panayam.

Nagbigay na ang DA ng paunang tulong tulad ng farm inputs para sa communal gardens sa evacuation centers at cattle feed para sa mga alagang hayop. May nakahandang P324 milyong buffer stock ang ahensya na maaaring ipamahagi kapag nakabalik na ang mga magsasaka sa mga lugar na ligtas sa danger zone.

Maaaring mag-claim ng insurance ang mga apektadong magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation at umutang ng hanggang P25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program.

Sa hiwalay na ulat, sinabi ng DA-5 na tumaas sa 551,765 ang bilang ng rehistradong magsasaka at mangingisda sa national database noong 2025 mula sa 535,174 noong 2024. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here