Home HOME BANNER STORY VP Sara nag-alala sa kinabukasan ng bansa, nagsalita sa isyu ng impeachment

VP Sara nag-alala sa kinabukasan ng bansa, nagsalita sa isyu ng impeachment

216
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng matinding pag-aalala si Vice President Sara Duterte sa kinabukasan ng bansa at tinanong kung may Pilipinas pa umano sa 2028 dahil sa mga galaw ng kasalukuyang administrasyon.

“Will there still be Philippines to talk about in 2028? We are drowning in garbage, floods, and poor economic indicators – even in corruption, we are submerged,” saad ni VP Sara.

Ipinahayag din niya ang pangamba sa kakulangan ng trabaho at proyekto para sa mga Pilipino.

“So I am afraid that one day, we might just wake up to find we no longer have a proper government and the whole nation is in chaos,” aniya.

“Assuming that we still have a country to call the Philippines in 2028 and that elections actually take place, because the current administration’s movements are quite doubtful,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ay ginawa matapos tanungin tungkol sa plano ng oposisyon para sa 2028 presidential elections, kung saan lumulutang ang mga pangalan nina Sen. Risa Hontiveros at dating Vice President Leni Robredo, bagama’t wala pang kumpirmasyon. Hindi rin malinaw na sinabi ni Duterte kung tatakbo siya sa pagkapangulo.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Duterte na dapat handang sagutin ng isang mataas na opisyal kung siya ay fit pa ring maglingkod.

Inilayo niya ang sarili sa isyu ng pagbasura ng House committee on justice sa impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Gayunman, sinabi niyang ang pagpirma sa budget bill na may alam na insertions at ang kawalan ng kakayahan ng isang lider ay maaaring maging impeachable offenses.

Ang reklamong inihain ng abogado na si Andre de Jesus laban sa Pangulo ay ibinasura ng Kamara matapos bumoto ang 284 mambabatas na kulang ito sa substansya. Kabilang sa alegasyon ang umano’y drug use, korapsyon, at pagpayag sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC).

Samantala, nahaharap din si Sara Duterte sa tatlong impeachment complaints na nakatuon sa umano’y maling paggamit ng P650 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education. Lumabas din sa imbestigasyon ng Kamara ang pangalang “Mary Grace Piattos,” na sinasabing kombinasyon lamang ng pangalan ng isang restaurant at brand ng potato chips.

Hindi sinagot ni Duterte ang isyu tungkol dito at sinabing sa Commission on Audit lamang siya magpapaliwanag.

Ayon pa sa kanya: “For me, as the Vice President, if there is a challenge to my fitness to serve, I cannot say no to that.”

“Because, I took an oath and with that, I will preserve and defend the Constitution. How can you preserve and defend the Constitution…if you’re not in the right mind?”

Iginiit din niya na handa ang kanyang mga abogado habang hinihintay ang opisyal na kopya ng mga reklamong inihain laban sa kanya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here