Home HOME BANNER STORY 26.75M miyembro nakarehistro sa PhilHealth YAKAP

26.75M miyembro nakarehistro sa PhilHealth YAKAP

176
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na umabot na sa 26.75 milyong Pilipino ang nakarehistro sa Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) ngayong pagdiriwang ng National Health Insurance Program (NHIP) Month.

Hanggang Enero 2026, naitala ng state insurer ang 26.75 milyong miyembro na naka-enroll sa mga accredited primary care provider sa ilalim ng programa.

Sa pamamagitan ng YAKAP, may access ang mga miyembro sa konsultasyon, piling laboratory services, at mahahalagang gamot mula sa accredited primary care facilities. Layunin ng programa na itaguyod ang tuloy-tuloy na health monitoring, maagang pagtuklas ng sakit, at preventive care upang maiwasan ang hindi kailangang pagpapa-ospital.

Noong 2025, nakapagtala ang PhilHealth ng 40.01 milyong YAKAP Clinic selections, habang 21.72 milyon naman ang naitala noong 2026, na ayon sa ahensya ay nagpapakita ng mas aktibong partisipasyon ng mga miyembro.

Ayon kay PhilHealth President at CEO na si Edwin M. Mercado, sa pagdiriwang ng NHIP Month ay lalo pang pinapalakas ng ahensya ang primary care upang matiyak na bawat pamilyang Pilipino ay may agarang access sa dekalidad at komprehensibong serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng PhilHealth YAKAP.

Ipinagdiriwang ang NHIP Month alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1400 s. 2007, na binibigyang-diin ang papel ng PhilHealth sa pagsusulong ng social solidarity at financial risk protection, habang pinatitibay ang primary care services sa buong bansa.

Dagdag ng PhilHealth, pinalawak ang mandato nito sa ilalim ng Universal Health Care Law mula sa pagpopondo ng hospital-based services tungo sa pagiging strategic purchaser ng health services sa iba’t ibang antas ng pangangalaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here