MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na umabot na ang pinsala sa agrikultura mula sa pagputok ng Mt. Kanlaon sa mahigit P1 milyon.
“The latest damage due to Kanlaon volcanic activity is at PHP1.39 million, affecting 40 farmers at karamihan pa rin nito ay (majority of this is in) rice,” pahayag ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang panayam.
Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, umaabot ang rice production losses sa P620,280; sinundan ng high-value crops at saging sa P420,400; at mais sa P349,320.
Para sa sugarcane production, inihayag ni De Mesa na iniulat ng Sugar Regulatory Administration ang inisyal na 10,000 hanggang 15,000 metric tons ng production volume loss, kung saan bineberipika pa ang halaga nito.
Samantala, sinabi niyang inaasahan ng SRA ang halos 1.78 million metric tons ng sugarcane harvest.
Tiniyak naman ng opisyal na hindi magreresulta ang epekto ng volcanic eruption sa agrikultura sa pagtaas ng retail prices ng major commodities.
“Very, very minimal, napakaliit lang. Of course, these are very minimal atsaka napaka-concentrated lang doon sa area,” pahayag niya.
Samantala, sinabi ni De Mesa na nakapagbigay na ng inisyal na tulong sa mga magsasaka. RNT/SA