Home METRO Pinsala sa sunog sa NAIA parking lot tinatayang P20M

Pinsala sa sunog sa NAIA parking lot tinatayang P20M

MANILA, Philippines- Inihayag ng Pasay Bureau of Fire Protection (BFP) na nag-iwan ang sunog sa outdoor pay parking area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng halos P20 milyong pinsala.

Ayon kay SFO1 Rezmond Germino, 19 sasakyan ang nasunog at habang isa ang bahagyang napinsala sa insidente.

Sinabi ni Gemino na patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na dahilan ng grass fire na sumiklab ng ala-1:35 ng hapon nitong Lunes.

Aniya, sinusubukan nilang tukuyin kung ang grass fire ay dulot ng matinding init na nararanasan sa lungsod o ng may sinding upos ng sigarilyo na aksidenteng naitapon sa lugar.

Ayon sa BFP, dalawang fire trucks ang agad na rumesponde sa insidente.

Iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dangerous heat index na 42 degrees Celsius sa lugar ng NAIA, Pasay City. RNT/SA