Home METRO Pinsalang iniwan ni Basyang sa agrikultura ng NegOcc, umabot sa P23.6-M

Pinsalang iniwan ni Basyang sa agrikultura ng NegOcc, umabot sa P23.6-M

183
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Umabot sa P23.6 milyon ang pinsala sa pananim at hayop sa Negros Occidental dulot ng shear line rains at Tropical Storm Basyang, ayon sa updated na ulat ng pamahalaang panlalawigan noong Miyerkules.

Iniulat ng Provincial Veterinary Office na umabot sa P6,383,846 ang pagkalugi sa mga hayop sa Escalante City, Calatrava, Toboso, Sagay City, Murcia, at Silay City. Ayon kay Dr. Placeda Lemana, provincial veterinarian, kabilang sa mga nalunod sa baha ang mga baka, baboy, at kalabaw.

Iniulat naman ni OIC Provincial Agriculturist Dina Genzola na ang pinsala ni Basyang sa palay, high-value crops, at fisheries ay umabot sa P1,051,166.

Ang mga ulat na ito ay dagdag pa sa P16,300,082.59 na naitalang pinsala sa agrikultura at pangisdaan sa Negros Occidental mula sa shear line at northeast monsoon rains. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here