Home NATIONWIDE Piso lumagapak sa halos P62 vs dolyar

Piso lumagapak sa halos P62 vs dolyar

1
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines — Muling bumagsak sa bagong record low ang Philippine peso nitong Miyerkoles, Agosto 19, at muntik nang umabot sa P62 kada US dollar habang nagpapatuloy ang volatility sa foreign exchange market.

Nagbukas ang piso sa P61.85 kada $1 bago humina hanggang P61.995 bandang alas-9 ng umaga, batay sa datos ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na iniulat ng Inquirer.

Nalampasan nito ang dating pinakamahinang intraday level na P61.85 kada dolyar na naitala noong Hulyo 24. Sa naturang araw, nagsara ang piso sa P61.847 kada $1, na noon ay record-low closing rate.

Patuloy na nahaharap sa pressure ang piso kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis at geopolitical tensions sa Middle East, na nagpapalakas sa demand para sa US dollar bilang safe-haven currency. Ang Pilipinas, bilang malaking importer ng langis, ay kabilang sa mga ekonomiyang sensitibo sa pagtaas ng global crude prices at paghina ng lokal na currency.

Gayunman, intraday level pa lamang ang P61.995 at maaari pang magbago ang halaga ng piso hanggang sa pagsasara ng foreign exchange trading ngayong Miyerkoles. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here