Home NATIONWIDE Piso nakabawi vs dolyar: 59.661 vs 1$

Piso nakabawi vs dolyar: 59.661 vs 1$

130
0

MANILA, Philippines – Muling bumalik sa 59-per-dollar level ang Philippine peso nitong Miyerkules ng umaga matapos gumanda ang kumpiyansa ng mga investor dahil sa pag-asang magkakaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Nagbukas ang piso sa 59.661 kontra US dollar at umakyat pa sa intraday high na 59.515. Ito ay mula sa pagsasara nito sa 60.33 sa nakaraang trading session.

Lumakas ang kumpiyansa ng merkado matapos sabihin ni US President Donald Trump na pumayag siya sa isang dalawang linggong ceasefire sa Iran. Sa isang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na ang pagsuspinde niya sa planong pag-atake sa Iranian infrastructure ay “subject to the Islamic Republic of Iran agreeing to the complete, immediate and safe opening of the Strait of Hormuz.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here